Hanggang sa shinare niya saken kung pano siya simulang magbasa ng Bibliya.
Bata palang daw siya mahilig na siya magbasa ng mga encyclopedia na naalikabukan lang sa shelf ng tita niya. Wala pa silang TV nun pero marame na daw siyang alam. Mahilig talaga siya magbasa hanggang sa magkaroon na siya ng pamilya. Nagtrabaho siya sa isang restaurant bilang bartender/waiter, tuwing break time niya daw nagbabasa siya ng Reader's Digest na binibigay lang din sa kanya sa table ng boss niya. Nakita nung boss niya na mahilig siya magbasa kaya iniiwan lage ung Bible nun, Baptist daw pala ung boss niya nun. Nung una, hindi niya pinapakelaman hanggang sa nalaman niya na talagang iniiwan ng boss niya para basahin niya. Nagsimula daw siya sa Genesis. Ang bilis niyang magbasa kaya madlai niyang nareach yung New Testament. Kaya lang napapansin niya na kaya siya mabilis kasi may ini-skip siya na hindi niya maintindihan, hanggang sa may nagsabe sa kanya,
"Alam mo kasi ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi katulad ng ordinaryong libro na pampadagdag kaalaman, inuumpisahan kasi yan ng prayer."
Ginawa niya naman at bumalik siya sa Genesis at sobrang di niya inaasahan ung mga bagay na napag-alaman niya. Simula noon, nawala na yung desire niya na magbasa ng iba pang libro, Bibliya na lang talaga.
....
Siya: Natutuwa ako na inaaral mo yung Salita ng Diyos dahil mas mabuti iyan kesa sa ibang mga intellectual na libro. At pag magbibigay ka ng kahit ano man dapat ung taos sa puso mo hindi yung pinipilit at kung tutulong ka sa buhay ng ibang tao, wag kang mag-eexpect ng kapalit. Dahil hindi yung taong iyon ang magbabalik sayo nun, ang Diyos yun, gagamit siya ng ibang tao para i-reward ka.
Ako: E bakit ayaw mo pa ren magsimba?
Siya: Gusto mo ba malaman? Kaya lang magkokontrapelo tayo.
Ako: Bakit? Ano ba yun?
Siya: Ibang congregation yung gusto ko. Yung evangelist na iyon sobrang swerte naten dahil nabuhay siya sa henerasyon naten. At gusto ko ang kanyang mga turo, napaka-Bible based hindi katulad ng ibang nagppreach na based on experiences nila.
Ako: O edi magstart ka na magsimba doon. Hindi tayo maggrow ng puru pananampalataya lang kelangan naten ng tao. Puru tanong lang kasi nakikita ko dun sa evangelist na yun, pano naman yung fellowship at application nun sa buhay?
Siya: Kaya nga inaaral ko yung Word sa pamamagitan ng pag-eexplain niya para alam ko kung pano ko i-aapply sa buhay.
Ako: Pero hindi lang Word and prinovide ni God sa aten. Nagprovide din Siya ng circumstances at tao. We cannot do it on our own.
Siya: Basta hindi pa kasi talaga ako handa.
Ako: Eh kelan pa? Ano pa ba hinihintay mo?
Siya: Gusto ko kasi mawala muna yung mga doubts ko e.
Ako: May doubts ka kay God?
Siya: Hindi kay God sa sarili ko! Gusto ko kasi kapag bumalik ako sa kanya hindi ako born-again kung hindi magsstep-in ako sa new world. Iwan lahat sa old world. Kelangan ko muna ihanda yung sarili ko.
Ako: Papakaperfect ka? Pero hindi naman mangyayare yun, diba? Kaya nga dumating si Jesus eh. Kasi alam ni God hindi tayo perfect.
Siya: Hindi! Gusto ko kasi maging handa muna. Ayoko ng babalik ako tapos hindi naman sincere at ganun pa ren. Mas malaking kasalanan sa Diyos iyon.
Ako: Pero alam niya ngang hindi ka perpekto. Kaya nga may GRACE eh. You just need to decide. Nahihirapan ka lang siguro kasi madame ka ng alam.
Siya: Kala mo ba madame akong alam? Marame pa akong hindi alam kaya nga hindi ako handa. God will make a way.
Ako: Pero naniniwala ka sa Holy Spirit?
Siya: Oo naman! Sobrang lake ng nagawa ng Holy Spirit sa buhay ko lalo na nung nagkasakit ako.
Ako: See? Sobrang blessed mo nga e. Nagkaroon ka ng second life tapos yung mga bagay at tao sa paligid mo. Grabe ginagawa ni God sa buhay mo.
Siya: Oo nga kaya sobrang nagpapasalamat ako ng Kristyano kayo dahil panalangin ko yun at habang bata pa kayo.
Ako: Edi kung sa tingin mo hindi ka pa super ready, magbasa ka na lang lage ng Bible kasi dun magsspeak sayo.
Siya: Kaya nga lage akong nanood sa TV ng Bible Study.
Ako: Pero magkaiba yun, parang gento yun e. Pagkaen naten ang Word.. Pag nakikinig lang tayo sa iba, parang iba yung ngumuya tapos kinaen mo lang ule. Mas iba pa ren pag ikaw yung susubo at ngunguya.
Siya: Basta natutuwa ako kung ano ka ngayon, just stay where you are.
-